Ano nga ba ang podcast?

SInulat ko itong post na ito kase it seems that marami sa mga pinoy ay hindi pa rin aware sa Podcasting. Kung ano ito at kung ano ang gamit nito.

Nung ako’y bata pa lamang ay na expose na ako sa mga AM radio programs, yung sa DZMM, DZBB, DZRH etc. Mga balita, mga talk show, pero kadalasan mga patungkol sa politics o di naman kaya ay mga legal na payo, mga tanungan tungkol sa medisina, o di naman kaya ay mga relihiyosong palabas gaya ng mga napapakinggan sa DZAS. 12 years old ako ng magkaroon ng sariling portable radio na mayroong AM at FM. Naalala ko noon ay yung pera na pinambili ko niyon ay galing sa mga napamaskuhan ko mula sa aking mga ninong at ninang. Nakakatuwang isipin na ang pagkamahilig ko sa mga talk show sa radio ay siyang magiging hobby ko ngayon. Mahilig akong makinig noon ng mga drama sa radyo, tapos pagpatak ng gabi, ayan na ang Gabi ng Lagim sa DZRH. Hindi ko alam kung ano nang mayroon ngayon sa mga istasyong ito pero noon ay nag enjoy talaga ako. Hanggang sa may paranormal show dati sa DZMM tuwing sabado ata iyon, hindi ko na maalala. They are discussing about paranormal events, third eye, at marami pang iba. Sa katunayan ay mas gusto ko ang AM kaysa sa FM. Hindi ko alam pero that’s weird being a teenager na ang karamihan ay sa musika sa FM nahihilig. Dahil siguro marahil ay maliit pa lang ako ay expose na rin ako sa music, so I might want something new. Ang isa benefit ng podcast ay maaari mo itong mapakinggan mula sa iyong smart phone. Pwede mo rin ma download from the internet at pakinggan sa oras na gusto mo. Hindi mo na kailangan mag abang ng oras gaya ng sa traditional na radyo. Kapag namiss mo ang programa ay wala na. Sa podcasting, pwede mong i-download ang lahat ng previous episodes ng isang podcast at pwede mong pakinggan kapag ikaw ay nagbi-biyahe, nag luluto, o kahit anong ginagawa mo. That’s the convenience of a podcast. Kapag may bagong episode, depende sa setting ng app mo, automatic na rin itong ma-da-download. Di ba ang galing?

 

Kailan nagkaroon ng Podcast?

 

Jump to present time, hindi ako aware na 2001 pa lang ay nag eexist na ang podcast. Malamang ay dahil bata pa lang ako at hindi updated sa mga technology news. As I type, ngayon ko lang nalaman na ang ipod pala ay nag eexist na nung late 2001. So ngayon alam nyo na rin. Ano nga ba talaga ang podcast? Bakit ito ang sinasabing modern radio. Hindi namatay ang radio bagkus ay nag evolve ito sa pamamagitan ng podcast. Dati ito kilala bilang “audioblogging”. Nauso na ang blogs noon na puro text at image lang. Mula 1980s pa lamang pala ay mayroon ng masasabing audioblogging. Nagsimula lamang mag boom ito ng mga late 2004. Ang primary purpose ng ipod noon ng Apple ay para lamang sa mp3 at music. Pero may mangilan ngilan na ginamit ang platform na ito for podcasting. Ngayon, humigit 115,000 na English Podcasts ang nag-eexist sa internet. Di pa kasama ang ibang lengguwahe. Pero nakakalungkot dahil iilan lang sa ating mga pinoy ang may alam patungkol sa podcast at podcasting.

 

Bakit may Podcast?

Kung tatanungin ninyo ako kung bakit may podcast ay hindi ko alam. Basta ang alam ko kung bakit mayroon podcast dahil na din sa pagsabay ng mediums natin sa communication sa pag evolve ng technology. So I can say na ang podcast at ang podcating ay ang evolution ng radio. Podcasting gives you more freedom, kahit nasa bahay ka lamang ay maaari kang magkaroon ng boses at audience na dati’y limitado lamang sa kung saan at kung sino ang nag bo-broadcast sa radio. Ngayon, it gives you freedom to express what you like and share it to the whole world. Podcasts can be any topic. Dahil magpasa hanggang ngayon, ang mapapakinggan natin sa radio ay minsan nakaka toxic na. Politics, puro love story, di ba nakakasawa na? Sa Podcasting, marami kang mapag pipiliang topic, from cooking, learning other language, hobbies, horror stories gaya ng podcast na Kwento at Takutan Podcast, movie reviews, any topic na maiisip mo, kung wala pa ay pagkakataon mo ring gumawa ng podcast sa topic na gusto mo. You have the freedom. Podcasting revolutionize what the radio can do for a more modern and free ways.

 

Sino ang Pwedeng Magpodcast?

Gaya ng sabi ko kanina, kahit sino ay pupuwede. From big companies hanggang sa ating mga lolo at lola. Kahit sino ay may kwentong puwedeng i-share, mga kaisipan na pwedeng ibahagi, mga idea na pwedeng gawin. That’s the beauty of podcasting.

 

Paano mag Podcast?

This will be another topic for the day but I suggest na you seach in Google. Maraming post na ang nasa internet on How to Start a Podcast. Nariyan ang mga sumusunod:

Pat Flynn’s — How To Start A Podcast Tutorial

Podcasting Fact Sheet

Why You Should Start A Podcast

What is a Podcast

 

To wrap up

Totoo, tayong mga pinoy ay medyo late pagdating sa technology. Pero kung tayo naman ay maka- catch up, diba proven na na mayroon tayong impact sa buong mundo. Gaya ng text or sms diba? For me podcasting is in it’s stage kung saan it is getting lots of attention today. So grab the opportunity malay mo ikaw na ang next big internet sensation, di nga lang in video format or in blogging but in podcasting hindi ba? I believe podcasting has a future here in our market, in the Philippines. We just need to spread awareness to some. FIlipinos are very creative naniniwala ako doon at kahit saang larangan ay mangingibabaw tayo.

 

Credits

Photo credit from American English and State Facebook Page


Wikipedia

Photo by Fancycrave on Unsplash
Photo by Nicholas Santoianni on Unsplash
Photo by Blake Connally on Unsplash

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.