Ano nga ba ang mapapala ko dito? Mukha namang wala eh. SIguro, ayun ang tingin ng iba. I always wanted a weirder side of life and sometimes darker. Although I am a Christian, mayroon ako laging fascination sa mga dark tales at sa mga kwentong kababalaghan. I know It’s weird and some may worry but hindi naman dapat. Kasi the more na kilala natin ang darker side of Spiritual realm, the more na kakapit tayo kay God na siya naman talagang maghahari in the end no matter what. So bakit nga? hindi pa rin maintindihan ng iba. Siguro sabihin na natin na ako yung taong naniniwala sa mga kwentong kababalaghan o mga misteryong tulad nito, pero alam ko naman ang stand ko. At alam ko kung saan ako. Gusto ko lang gawin ito for entertainment purposes, for hobby, not necessarily means na ito ang aking lifestyle. I believe in the authority of God in heaven and on earth, that’s no doubt. Hindi ko ginawa ang podcast na ito o ang website na ito para paniwalain ang iba sa mga nilalang ng kadiliman, kundi maging aware lalo sila sa mga kababalaghang nangyayari sa ating paligid. Sa mga misteryo, sa mga spiritual na bagay na talaga namang nag-e-exist. The devil exist, God exist. Kung hindi ka naniniwala kay God at naniniwala ka sa demonyo eh it’s time to check yourself. Kanino sa tingin ninyo nagrerebelde ang mga demonyo? Wala lang? Trip lang nila? Walang pulis kung walang kriminal, simple lang.

Salamat sa inyo sa inyong pagsuporta sa podcast na ito. Lalo ko pang pagbubutihin at pagsisikapan na mapaganda pa ito. Malaking tulong na ang pag disable ninyo ng adblockers ninyo para sa website na ito. Pwede ninyong i-whitelist ang site para nang sa gayon ay sa maliit na paraan ay makakatulong kayo. Wala namang virus ang site na ito haha! At pangalawa, wag nyong kakalimutang mag bigay ng feedback sa pamamagitan ng pagko-comment. Malaking tulong din ito para mapabuti ko pa ang pag podcast. I am humbled sa mga stats na natatanggap ko mula ng seryosohin ko ito. Noong isang taon ko pa balak gawin ito, I gathered so many resources para mai-share sa inyo, nag hihintay lang sila. I need to be more organized and consistent din sa schedules ko. I wanted this to be fulltime. Thank you din sa mga magsa-submit ng kanilang mga stories, sa mga nag-like ng Facebook page natin, at Twitter, at mga nakikinig galing sa iba’t ibang apps gaya ng Spotify, maraming salamat. 

Asahan ninyo na pagbubutihin ko pa ang mga susunod na kabanata ng ating podcast.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.