B1 Gang S1E10: Mga Ulupong

KARAMAY NI JO, tumahimik na ring umupo sa kani-kanilang napiling lugar sina Kiko. Pinagsawa na lamang ng mga batang siyudad ang kanilang mata sa magandang tanawin ng pook. Tahimik nilang hinihintay ang pagdating ni Lolo Ute. At tulad ni Jo, hindi rin nila maiwasan ang paminsan-minsan ay tapunan ng tingin ang puno ng balete na ayon nga kay Pancho ay matanda pa sa kanyang Lolo Ute.

B1 Gang Season 1 Trailer

May nagbuwis na naman ng buhay sa wawa! Iyan ang balitang mabilis na kumalat sa bayan. Totoo nga kayang may halimaw sa wawa na siyang naniningil ng buhay bilang kabayaran sa pagkawala ng matandang Krus? Ngunit hanggang kailan kailangang magbayad ng buhay ang mga tagaroon? O totoo kaya ang kuwento ni Lolo Ute ukol sa isang kaharian ng mga duwende, ada at iba pang laman-lupa? Iyan ang mga katanungang sasalubong sa B1 Gang. Pamahiin at takot ang pinakamalakas na katunggali ng ating barkada. Paano nilang mapapatunayan na ang lahat ng mga nangyayari ay may paliwanag gayong sila man ay nakakasaksi ng mga mahihiwagang bagay?