Riverdale Season 3 is here! Napanood ko siya last Thursday sa Netflixand it’s so awesome and scary.

## ::SPOILER WARNING::

I’m warning you if hindi mo pa napapanood ang pilot episode or ang kahit anong episode ng Riverdale, continue reading at your own risk.

This is not a review, bagkus, ang mga haka-haka ko lamang sa show in general. Kumbaga ay aftershow thoughts ko. Since Riverdale’s story arc is revolving around mystery, I assume na pasok siya sa kabuuang tema ng website na ito: Horror, Mystery at Suspense.

Naalala ko nuong una kong napanood ang Riverdale. Naisip ko na isa lamang itong American coming-of-age drama or soap na modern. Mali ako, dahil alam kong pamilyar nga ang Title pa lang. Nuong maliit pa lamang ako ay nakabasa na ako ng comics iyon at nabasa ko na iyon at some point. So I got curious, I watched the first few minutes sa Netflix and guess what, hindi ko na ito tinigilan. Buong araw kong pinanuod ang buong Season 1. Nakaka-hook. Napakaganda ng twist sa story. Lahat mapagkakamalan mo na may kasalanan sa pagkamatay ni Jason Blossom.

Pinaka-nagustuhan kong character si Jughead. I am somehow related sa attitude and overall character niya. Alone, Social pariah, you get it. Dito ko rin narinig ang isa sa pinaka paborito kong kanta, ang “Waves” by Dean Lewis. Sobrang relate talaga ako kay Jughead to the point na I even replicate the way he dress, walk, mga mannerism, pati damit at ang symbolic crown beanie niya. Food obsession, burgers, and love sa book at pagsusulat, akong ako.

Ngayon, nagbabalik si Jughead sa Riverdale kasama ang buong barkada upang tuklasin ang misteryo ng Gargoyle King. Si Jughead Jones nanaman ang unang naka tuklas nito ng makita niya si Dilton sa Fox Forest na tila sumasamba sa isang nakakatakot na pigura.

Umikot ang unang episode sa trial ni Archie, to catch up from where they left from the second season. This time, it gets really darker and mysterious. It ended up na inako na lang ni Archie ang kasalanang hindi naman niya ginawa. After nga ng trial, duon nadiscover ni Jughead ang nangyari kay Dilton kasi gusto niyang kausapin si Jughead pero nga papunta siya sa trial ni Archie. Pagbalik niya, ayun na nga ang nangyari. Wala na si Dilton at di ko sure kung siya ang nag iwan ng drawing ng mapa na nakalagay Fox Forest (if im not mistaken). Di ko pa kasi na-re-watch so maaaring may mistakes ako sa pagsusulat nito.

Isang interesting scene pa ay yung si Polly at yung mama nila. Nakita ni Betty na inihagis ng dalawa ang kambal sa gitna ng apoy. They are having some sort of ritual. Seems occulttism din. Her mom keep on telling her about this Farmer, the farm and how they are being healed. Grabe, it sounds like Outlast 2 for me hehe. Hinimatay si Betty after seeing that.

I think darker things are coming ahead in the small town of Riverdale. So be prepared. I will be posting aftershow thoughts about the series since horror naman and mystery iyon, fiction nga lang siyempre. Tapos bigla ko rin naisip si Sabrina the Teenage Witch. Sabi ng mga producer, Sabrina almost came sa second season pa lamang ng Riverdale. But they are reserving the character na lang for a new series. I’m always imagining kahit man lang cameo ni Sabrina sa Riverdale diba? In their universe (ala MCU? Hehe) sa kabilang side lang naman ng ilog ang place nila Sabrina, ang Greendale. So kung gugustuhin nila, pwedeng pwede nilang ipag-join ang mga character to fight this dark antagonist this season. Di ba? Sana, how I wish. Kahit cameo lang please? Or one scene or episode na they hear about this Sabrina at pwede nilang hingan ng tulongand they will come sa Greendale to see Sabrina. How exciting is that. Malay natin.

Riverdale is one of a kind series na I wish mapanood ng madaming pinoy. Hindi puro love story or mga fantasy. It’s time to upgrade your watching habits guys. Di natin kailangan ng napakahabang series na halos abutin na ng tatlong taon (may balak pa atang 10 taon, ehem Cardo hehe). 10-13 Episodes in a TV Series is enough para ma-hook ang tao. Kung bibigyan talaga ito ng originality (ehem Victor? Hehe) at magandang prodcution value. One example of that is Riverdale, hindi kailangang maging zombies, o maging love story (although may element ng love story), or comedy, or fantasy, or even superhero para pumatok. Marami tayong matututunan at marerealize if we watch this kind of series. What series na similar sa Riverdale? Can you recommend some?

Mapapanood ang Riverdale sa Netflix tuwing Huwebes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.